Friday, June 30, 2006

White Sin

Shhhhhhhhhh, wag kayo maingay hah, malapit ko nang maubos ang white chocolate na binili namin nung isang araw, di alam ni Jeng. Hi hi hi hi.

Ewan ko, kasi ba naman pag white chocolate ay di ko mapigilan ang sarili ko. Pag milk chocolate naman ay madali kong ma resist pero pag white chocolate ay total surrender ako. Yum! Yum!

Pero pano nga ba ginagawa ang white chocolate? Ayun sa aking research –

White chocolate is made the same way as milk chocolate and dark chocolate -- the difference is the ingredients. In fact, because of the ingredients, many people (including the U.S. Food and Drug Administration) don't consider "white chocolate" to be chocolate at all. (from http://ask.yahoo.com/20030106.html) Dahil daw ala naman cacao ang white chocolate.

Alam nyo rin ba na pwede rin palang malason ang mga aso sa white chocolate. Di ko na explain dito hanapin nyo na rin jan sa site na yan. Pero bakit ko naman ipapakain sa aso ang white chocolate na pinaghirapan kong bilhin?

Siguro kung white chocolate ang inalok ni Eba kay Adan ay hindi lang isang kagat ang ginawa nya kundi lahat ng bunga ng white choc tree ay nilantakan nya.

I’m also thinking of joining this white chocolate fan club, http://fan.just-like-magic.org/white

Ito naman ang aking top ten na brands ng white chocolate. Shhhhhhhhhaaaaaarrrraaaaaappppppp!!!!!!!

10. MnM's White

9. Nestle cookies and cream

8. Whitakers white

7. Whitakers white with macadamia

6. Mama Higgins white chocolate fudge

5. Cadbury dream

4. Cadbury dream egg

3. Cadbury dream white chocolate bar ice cream

2. Kit kat white

1. At ang number one ay ang Toblerone white, Da Best! Heaven spare my soul!

Tuesday, June 27, 2006


Down to the wire
I wanted water but
I'll walk through the fire
If this is what it takes
to take me even higher
then i'll come through
like I do when the world keeps
testing me, testing me, testing me

Saturday, June 24, 2006

Happy Birthday Mom

Birthday ng Mommy ko today. Naalala ko pa last year nung umuwi kami. Nag celebrate kami ng last birthday nya sa hospital. Im still glad na nagkasama sama kami nung last birthday nya. Nakita nya si Ethan bago sha nagpunta ng heaven. Di nya nga alam na dumating kami. Una nya nakita si Ethan, pinasok sha sa room ng kapatid ko at sinabi na hiniram sa kabilang room. Sabi ni Mom “Sino yang batang yan?, ang cute naman.” Tapos sabi ng pamangkin ko na si Ethan yun. Laking supresa nya at bigla kami pumasok. Tuwa tuwa si Mom. Bigla shang sumigla. Emrbrace ko sha ng higpit.

Nung time na yun, hoping pa rin akong gagaling sha at aalis kaming panatag ang loob at nagpalaplano pa nga kaming mag out of town pero sa isang banda ang mission ko nun ay makauwi at makita sha at masabi ang mga dapat kong sabihin at makita nya si Ethan. May feeling na rin ako na yun na rin ang last time.

Im still glad na nakapag paalam ako bago sha mag turn into Angel. After nun kaming magkakapatid nagging mas close. Ive learned to say “I love you” sa mga kapatid ko at kay Dad nang walang hiya hiya, Bat ganun anoh? simple words lang minsan ang hirap pang sabihin.

Kaya mga kapitbahay, after reading this, anjan lang ang mga Mommy at Daddy nyo sa tabi, kung matagal nyo na sa silang di nalalambing ay this is your chance. We don’t hold the future.

Happy birthday Mom, uwi kami sa October. I LOVE YOU.

Ito yung pinapakingan ko nung time na nalaman kong may sakit si Mom at naalala ko sha pag naririnig ko ito....

Today I watched the boats
Moving through the harbor
Walking on water
In your arms I'd stay
Forever if I could
Forever if I may
Keeps me in your thoughts, don't disappear

I am on your side
And so alive
So alive it isn't real

If this is how I feel
Then nothing now is true
And nothing now can ever be taken away from you
Sinking in the past
The things that shouldn't last
Just put to bed and stand beside me
Stand beside me

Wednesday, June 21, 2006

Mawalang Galang Na Po!

Meron tayong mga kasabihan na “Igalang ang mga matatanda”, pero minsan kung sino pa ang may mga edad na ay yun pa ang mga bastos at mga walang modo. Pano mo ba naman bibigyan ng galang ang mga ganitong klaseng tao?

Tulad na lang nng isang matandang nakasakay ko sa bus. Pinapa off nya sa driver ang aircon kesho daw nilalamig sha, ang sabi naman ng driver eh, ala shang magagawa dahil hindi ito ma switch off, kahit pinipilit nyang e explain na hindi nya hawak ang control sa aircon ay makulit at sumisigaw ang matanda at tinawag pa shang tanga at tamad. Tama ba naman yun!? Tinanong sha ng driver, “Ikaw alam mo ba kung pano i off?, sabi ng matanda “Abah, trabaho mo yan, wag kang makikipag talo sakin!” Haaaayyy naku Lolo! Oh Lord!

Sa aking pinapagtrabahuhan naman, may isang matanda na panay ang mura, jusko po!, kung pwede ko lang putulin ang kanyang dila ay ginawa ko na, at ang dami pang angal at ang lakas ng loob nyang itanong sakin kung bakit di ako ngumingiti? Hello?!

Meron naman akong kaibigan na na harass ng kanyang boss na matandang manyakis, palibhasa mayaman ay akala nya ay kaya nyang bilhin lahat, pero “yuuuuck!” meron pa ring mga pumapatol sa kanya hah, kadiri kamo, di ko maimagine ang kanyang mala kulduroy na balat na naka latag sa makinis na balikat ng kanyang material girl.

Naman naman! di nalang nila isipin na matanda na sila at kelangan na nilang mag reflect sa kanilang mga buhay buhay at ituwid ang mga dapat ituwid.

Monday, June 19, 2006

Kuya Rey Ate Hope Ate Nia



Our two angels, talaga naman pag nag sama ang dalawang ito! (Round one! ting! ting!)



My cousin Kuya Rey, Ate Hope and darling Nia. Dahil sobrang busy ng buhay dito sa NZ minsan minsan lang kami mag kita. After six months ngayon lang ulit.

Saturday, June 17, 2006

Shiny Happy People

I hope you enjoy our new banner/header. If the music starts to get annoying, there is an off button located at the left hand side.

Being happy, it’s about being happy. I hope I made you laugh and of course it’s all about feeling the L O V E!

Kilitiiin nyo kami hangat kami ay sumurrender. Patawanin nyo kami dahil minsan kami ay pagod at malungkot. Salamat sa pag bisita. Kung walang magawa tumambay lang at tayo ay mag tawanan.

Catch as may hearts as you want.

What makes me happy?

Knowing that Jenny and Ethan are happy makes me happy. Knowing that our family back home is happy makes me happy. Having many friends makes me happy. Dining out on my day off makes me happy. Watching movies makes me happy. Music, ahhh music makes me happy and alive! Next to Jenny and Ethan, music is part of life. Comedians make me happy. Sunshine makes me happy. Being a Jedi makes me happy. Fooooooooooooodddd!, foooooooodddd! makes me happy.

Shiny happy people laughing
Meet me in the crowd
People, people
Throw your love around
Love me, love me
Take it into town
Happy, happy
Put it in the ground
Where the flowers grow
Gold and silver shine

Shiny happy people holding hands
Shiny happy people laughing

Everyone around, love them, love them
Put it in your hands
Take it, take it
There's no time to cry
Happy, happy
Put it in your heart
Where tomorrow shines
Gold and silver shine

Saturday, June 10, 2006

Miss ko Mommy ko. Araw araw ko sha naiisip. Minsan bigla akong nalulungkot, kaya naman uwing uwi na ako gusto ko nang Makita ang puntod nya.

Nung isang araw nag lilinis ako ng bahay at nakita ang mga magazines na pinadala nya nuon. May sulat nya sa harap kaya di ko tinapon. Di ko rin ine erase ang mga email at text messages nya. Ang number ng cellphone nya di namin di ne delete kasi minsan pag lungkot kami nag se send kami ng message. Crazy but it eases the pain.

Feeling pag uwi ko eh chaka ko lang talaga mararamdaman na wala na sha, at baka dun ako pumutok. (hhhhhhhhhhhhhhh)

I miss you Mommy.

No Music, No Life

Aaaaaaarghhhhh, so may albums so little time (and money).

Bakit ba sabay sabay na rere release ng albums ang magagaling na bands? Nanjan ang bagong album ng Red Hot, nanjan ang bagong album ng Pearl Jam, lapit na rin I release ang bago ng Keane, tapos sa Starbucks may tribute almbum kay Sergio Mendes. Ano bay yan!

Wednesday, June 07, 2006

Lesson For Today

Exams na naman, oh boy!

Hindi po exam sa school mga kapatid, kundi exam ng buhay so in that case ang dapat kong sabihin, oh God!

Sa mga ganitong pagkakataon dapat siguro na isipin ko na lang normal na parte talaga ito ng buhay, Imean ang magkaron ng random exam sa subject called LIFE given by Prof. Jesus. Ang sabi ko nga minsan ay “go with the flow na lang”. Kaso nga minsan parang written test din, may mahirap may madali, may mabigat may magaan. Anyway, o sha, … lay it down.

Life, life, life…. Kakatuwa naman ang buhay. Kung talagang kailangan ng isang tao ay shang ibibigay. Meron akong isang friend na preggy ang wife nya at kelangan mag resign sa work dahil hazardous sa health nya ang environment duon. Samakatwid sha lang ang kumakayod ngayon. Pero God knows what to do. Bigla shang na promote as a supervisor. Ganyan din kami dati nung dinadala ni Jeng si Ethan minsan ay nag uusap kami tungkol sa finances nang biglang may tumawag sa phone ko at mag papa tutor sa graphics. Lesson learned? TRUST.

At ang sabi ni Rico…

Hindi mo maintindihan
Kung ba’t ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan, ngunit

Kaibigan
Huwag kang magpapasindak

Kaibigan,
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring mangyayari
Tayo’y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay