Friday, May 04, 2007

Two Hearts Beat As One

Ang sabi nga nila, in marriage you become one.

We’ve been married for seven years now at ang dami na rin naming dinaanan. Well enough drama said, pero pag ganun na katagal ang mag asawa ay you start to think and act the same. May mga times na sabay kami mag sasalita at same words ang lalabas sa bibig namin. Nagiging isa ang takbo ng aming isip either sabay kami nagsalita or nauna ang isa, it is usually followed by “Pareho tayo ng iniisip”

This may sound weird but when I’m at work, sometimes I sense that somethings not going right back home and when I do call ay ayun nga may nagyayaring di tama.

But of course hindi naman parati ay pareho ang takbo ng aming isip, minsan din naman ay mag ka opposite ang aming mga opinion, siguo kailangan nyan para ma balance ang inyong “spiritual vibratienzz” but then it all works out perfectly in the end.

Siguro nga marriage is truly a union of heart and soul.