Sunday, January 29, 2006

In Between Days

Two films examining immigrant life in America won top honors at the Sundance Film Festival.

Eh pano kaya kung pumunta dito sa Mother Lily at pumili ng pinaka maganda at pinaka madramang istorya ng mga immigrants na mga pinoy dito, siguro di sha makapag decision kung alin ang pipiliin nya kasi nga lahat makulay. Ano kaya ng title ng life story ko? Hmmmm.... "The Life and Times of Donald Foronda"..shado common, "Dayuhan"... parang bayani ang dating hah, "Just got lucky with Jesus"... may religous touch yan hah.

First time kong mag overtime mga kapitbahay at di pala biro biro, I mean di lang overtime kundi back to back shift, for short 16 hours. Grabe kamo, di ko alam kung pano ito ginagawa ng mga pinoy na kasama ko sa work, di ko ata kayang sabayan. Ito kauuwi ko lang at lutang na lutang ang pakiramdam ko. Di bale na nanjan na yan eh kelangan ko rin naman ng extrang langis para pambayad sa renew ng passport ko.

Ok na ako, the past entry was dark and melancholic pagpasenshahan nyo na nag lalabas lang ng sama ng loob, yan rin naman ang isang silbi ng blog dibah?

Wednesday, January 25, 2006

I'll Stop The World And Melt With You

I just wish the world and everything in it would stop moving for a while. I’m getting old. My body has passed its peak. I have a back problem and working at night time is just not normal. A year has passed and my body refuses to adapt to sleep depravation. Last night I dragged myself going to work. I am tired.

I wish the world will come to a halt. I just want to sleep and regain my energy. I will clean the house, not just a cheat clean but an honest “motherly” clean. I will sort documents, perfect my driving, do a landscape painting and most of all play with Jenny and Ethan the whole day. I wish the world would stop turning.

But you know God whispered, “I’ll give you rest if you really need to, I can’t stop the world from turning you know that.” Last night when I asked the God to slow things down I almost did nothing. Yup, he knows what to do. I’m tired and I make mistakes when I’m at work but it’s nothing that the whole world couldn’t handle (I hope).

Wednesday, January 18, 2006

That’s Entertainment

The world is a one big stage at lahat tayo ay artista. May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan natin “um-akting”. Isang magandang example siguro dito ay ang pagkunwaring sick ako at tatawag sa trabaho na with matching malat ang boses (he he he he).

Isa rin sa ugali nating mga pinoy ay ang magdahilan ng iba para lang hindi magtampo ang mga kaibigan natin at iwas gulo. Well, sa isang banda maganda dahil tayo ay mahinahon at nag iisip muna bago magbitiw ng kilos at sa isang banda ay hindi maganda dahil hindi natin nai lalabas ang mga tutuong nararamdaman natin. Jan naiiba ang mga puti, hindi na kakaiba dito kung may nag aaway na mga puti sa gitna ng kalye dahil wala silang pakialam sa iniisip ng iba basta sila ay malaya na i express ang nararamdaman nila yung nga lang spur of the moment divorce kaagad - period.

Ang kumausap sa mga makulit na client nang naka ngiti kahit na tayo ay bwisit na bwisit na, yun akting na akting yun. Ang humarap sa taong asar tayo at magpakaplastik, yun acting na acting yun. Ang tumayo sa gitna ng stage at mag panggap ng relax kahit tayo ay halos himatayin sa kaba, yun acting na acting yun.

Ako na shy type ay kailangan sigurong bigyan ng Famas award dahil pag dating sa trabaho ay nag kukunwaring “people person” pero ang tutuo ay nasa isang sulok pag dating ng break. Ewan ko ba, meron atah akong potential na maging con artist dahil dati ay meron akong dalawang kaibigan sa magkaibang kumpananyang pinasukan ko na magkakilala pala. Ang sabi ng isa ay mahiyain daw ako at ang sabi ng isa ay ako daw ay “wild child”. Hindi tuloy sila sure kung iisang tao ang kakilala nila. Di nila alam na ako ay uma-akting lang dahil kailangan ko lang gawin.

Life… parang showbiz, Im sure at one point um-akting ka din kapatid.

Wednesday, January 11, 2006

Meet the Parents

Isa sa best friends ko ay ikakasal na at kwento nya sakin kung gano sha kinabahan nung mamanhikan sha. Naa alala ko tuloy nung una kong ma meet ang parents ni Jeng.

FYI mga kapitbahay, ako kasi ang tipo ng tao na hindi pedeng maging pulitiko at zero ang score ko pag dating sa PR at minsan ay sinusumpong ako ng pagka torpe. Tahimik akong tao eh, dadaldal lang ako pag ang pinag uusapan ay rock and roll, Star Wars at graphics design at tungkol sa pagkain pala he he he.

So anyway, yun nga nung na meet ko ang parents ni Jeng ay akala nila ay pipe ako. Kasi ba naman eh wala naman akong alam sa pulitika, sa basketball o sa sabong. Di ba mahirap mag spark ng conversation para sa lagay ko? Alangan naman tanungin ko ang daddy nya kung gusto nya ang bagong album ng Metallica o ang advantages ng Photoshop 7. So yun nga, the torpe in me, Once binigyan pa ako ng shot ng Fundador, eh di naman ako umiinom so pag labas ng kwarto ni Jeng ay nabigla sha dahil namumula ako at naka ngiti at naka masid sa langit (he he he he)

Pero dati yun. Yung umuwi kami ay ok na ang lahat. Natututo na rin akong mag kwento ng kung ano ano. Di naman mauubusan ng kwento tungkol sa buhay dito sa NZ.

Alam ko nakaka relate kayong mga barako na mga kapitbahay ko. Nakaka kaba talaga pag unang na meet ang parents ng mga girlfriend nyo ano? Kayo ba, ano ang experience nyo?

Friday, January 06, 2006

Christmas Getaway 2005

Monday, January 02, 2006

This Is Not A Paid Advertisement

Summer na naman at kung gano ako umaangal nung winter ay shang sobrang init naman kung araw. Kaya naman kahit na strict diet ako (kuno...) ay napapa lakas ang pag laklak ko ng Coca Cola. Ahhhhhhh..... Sarap......

Ano nga ba meron ang Coca Cola?, pati si Ethan pag narinig pa lang ang "fizzzzzzzz" ay alam na nyang sumisimple ako at totoyoin pag di ko binigyan. Talaga naman kasing ang sarap uminom pag saksakan ng init lalo na pag ang ulam ay pork chop o kahit na anong prito. Ano ba ang meron ang Coke, I mean yung ingredients ba?

Ayun sa aking research ang Coke ay merong Carbonated Water, High Fructose Corn Syrup, Caramel Color, Phosphoric Acid, Natural Flavors (di ko lam) at Caffeine samakatwid ay ingredients for added bilbil. Lam naman natin lahat yan pero you cant resist the taste ano po? Lalo na nung lumabas ang vanilla Coke, sarap talaga!

Naku naku naku, kaya ako nasisita ni Jeng pag ganitong mga tag init kaya mabuti pa ay wala na lang naka "isambay" na Coke sa fridge eh para malayo sa temptation.

Tulad ngayong araw, na napaka init parang gusto ko na naman mag laglag ng barya sa vendo hah...