Wednesday, June 07, 2006

Lesson For Today

Exams na naman, oh boy!

Hindi po exam sa school mga kapatid, kundi exam ng buhay so in that case ang dapat kong sabihin, oh God!

Sa mga ganitong pagkakataon dapat siguro na isipin ko na lang normal na parte talaga ito ng buhay, Imean ang magkaron ng random exam sa subject called LIFE given by Prof. Jesus. Ang sabi ko nga minsan ay “go with the flow na lang”. Kaso nga minsan parang written test din, may mahirap may madali, may mabigat may magaan. Anyway, o sha, … lay it down.

Life, life, life…. Kakatuwa naman ang buhay. Kung talagang kailangan ng isang tao ay shang ibibigay. Meron akong isang friend na preggy ang wife nya at kelangan mag resign sa work dahil hazardous sa health nya ang environment duon. Samakatwid sha lang ang kumakayod ngayon. Pero God knows what to do. Bigla shang na promote as a supervisor. Ganyan din kami dati nung dinadala ni Jeng si Ethan minsan ay nag uusap kami tungkol sa finances nang biglang may tumawag sa phone ko at mag papa tutor sa graphics. Lesson learned? TRUST.

At ang sabi ni Rico…

Hindi mo maintindihan
Kung ba’t ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan, ngunit

Kaibigan
Huwag kang magpapasindak

Kaibigan,
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring mangyayari
Tayo’y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home