That’s Entertainment
The world is a one big stage at lahat tayo ay artista. May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan natin “um-akting”. Isang magandang example siguro dito ay ang pagkunwaring sick ako at tatawag sa trabaho na with matching malat ang boses (he he he he).
Isa rin sa ugali nating mga pinoy ay ang magdahilan ng iba para lang hindi magtampo ang mga kaibigan natin at iwas gulo. Well, sa isang banda maganda dahil tayo ay mahinahon at nag iisip muna bago magbitiw ng kilos at sa isang banda ay hindi maganda dahil hindi natin nai lalabas ang mga tutuong nararamdaman natin. Jan naiiba ang mga puti, hindi na kakaiba dito kung may nag aaway na mga puti sa gitna ng kalye dahil wala silang pakialam sa iniisip ng iba basta sila ay malaya na i express ang nararamdaman nila yung nga lang spur of the moment divorce kaagad - period.
Ang kumausap sa mga makulit na client nang naka ngiti kahit na tayo ay bwisit na bwisit na, yun akting na akting yun. Ang humarap sa taong asar tayo at magpakaplastik, yun acting na acting yun. Ang tumayo sa gitna ng stage at mag panggap ng relax kahit tayo ay halos himatayin sa kaba, yun acting na acting yun.
Ako na shy type ay kailangan sigurong bigyan ng Famas award dahil pag dating sa trabaho ay nag kukunwaring “people person” pero ang tutuo ay nasa isang sulok pag dating ng break. Ewan ko ba, meron atah akong potential na maging con artist dahil dati ay meron akong dalawang kaibigan sa magkaibang kumpananyang pinasukan ko na magkakilala pala. Ang sabi ng isa ay mahiyain daw ako at ang sabi ng isa ay ako daw ay “wild child”. Hindi tuloy sila sure kung iisang tao ang kakilala nila. Di nila alam na ako ay uma-akting lang dahil kailangan ko lang gawin.
Life… parang showbiz, Im sure at one point um-akting ka din kapatid.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home