Nabangit ko na before na NZ is rich in cultural diversity. Kahit sa Casino, iba iba ang kulay ng tao. Di lang sa mga sugalero, kahit sa mga empleyado dun. Sa department na alng naming sa table games iba iba ang lahi, meron jan Puti of course, Maori, Pacific Islanders, Chekwa, Indian, Korean, Pinoy, OtherEuropeans, Other Asians, basta halo halo. San na naman ako tutungo nito, eh di san pa kung di sa hindi pantay pantay na pag angat ng mga tao. Again its my blog so I can blah blah blah….
Sabi nga nila (at hugas kamay ako jan) ang mga puti madaling ma promote yan at sila ang binibyan ng priority kahit na yung iba ay hindi naman deserving. Eh wala tayong magagawa jan, teritoryo nila ito eh, pero pag ang Pinoy eh talagang papag hihirapan nya yan at pag nalagay na sa pwesto yan ay sobrang galing nyan. Tipong wala silang mahahanap na lusot kung bakit di sha pwedeng ilagay jan.
Pag dating naman sa loyalty eh number one din naman ang Pinoy, dahil siguro eh mahirap humanap ng trabaho dito. Ang mga Puti, come and go yan at madaling mag sawa sa trabaho.
Masaya kasama ang ibat ibang lahio sa work, marami akong natututunan tungkol sa ibang culture. Ang mga ibang lahi tuwang tuwa pag may natututunan na Filipino words kasi kamo madali itong ipronounce. May mga characteristics din sila na mahirap tanchahin. Tulad nalang ng mga Puti, mabilis mag bago ang mga moods nyan, sa ngayon ay nakangiti at palabiro pero mamya ay may “ompong” na, similar din sila sa Maori. Kaya to be safe ay tinatancha ko muna ang timpla nila bago ako humirit.