Saturday, July 07, 2007

Deal or no Deal

So what does it really take to become a Games Dealer?

Naalala ko pa yung sinabi nung teacher ko sa math nuon na pag araw araw mong ginagawa at pinapapractice ang isang bagay ay walang imposible at lahat kaya mong gawin. May kasabihan nga kami sa college of fine arts nuon na talagang normal sa aming mga artist ang mahina sa math.

I have never imagined na one day ay magigiging Dealer ako sa casino. Nuong nag uumpisa pa lang ako ay talagang nag umpisa ako from scratch at talagang nag struggle ako nuon. Mahabang story, pero dahil araw araw kong ginagawa ay nahasa ang aking math skills. Pero hindi ako tipong ala “super accountant ah”, malaki lang ang inimprove ng aking manual computation.

Ngayon ay bulod sa Blak Jack ay daler na rin ako ng Roulette kaya mas malaking challenge sa akin ito ngayon.

Bukod sa basic math skills, and I repeat “basic math skills” hah, hindi naman sobrang kumplikado ang pag compute sa games dahil pare parehong number lang naman ang lumalabas, anyway ito pa ang iba pang kelangan meron ka:

  1. Patience – Yan ang unang una, lalo na pag meron mga makukulit at mga bwisit na mga player. Kahit na minsan eh sinasagot ko na at hindi lang ako nag papahuli. Hindi lang patience for players kundi pati na rin sa aking mga co workers kasi iba iba ang mga ugali ng mga tao dun, may mayayabang, may mga traydor at kung ano ano pa.
  2. Kapal ng mukha – Mahirap sa akin ito, hindi sa nag bubuhat ako ng sariling banko pero tutuong tao ako eh at hirap ako makipag plastikan. Kasi samin kelangan plastic ka para ma promote ka at makakuha ka ng ibang games. At kapal ng mukha din ang kailangan pag humaharap sa mga player.
  3. Being an Actor on stage is the same thing – Ang trabaho naming ay parang isang stage play at para ka na ring stage actor dahil kahit ano man ang problema mo sa bahay at labas ng trabaho ay kailangan pag pasok mo sa floor ay isuot mo ang iyong nakangiting mascara.
  4. Live healthy – Puyatan ang trabaho na ito so it is best to keep physically fit hindi lang ang mind at ang impotrante ang body. Marami sa aking mga co workers ang sumasakit ang likod at balikat. Bakit kamo? Dahil walng exercice, imagine nakatayo ka ng eight hours. Talagang sasakit ang likod at balikat mo pag hindi ito batak.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home