Friday, July 27, 2007

Doomsday Friday

Wheeeewww!!! I survived another busy Friday.Di nyo naitatanong eh pag weekend sa casino eh daig pa ang Divisoria sa dami ng mga player lalong lalo na sa roulette. Pag tulad ko na laging babad sa roulette ay ito ang mga araw na iniiwasan. Luging lugi kamo kami kung I co-compare sa mga dealers ng blackjack at bacarrat. Kakapagod talaga at bukod sa dami ng tao ay malaking area ang ginagalawan mo kaya lalong talo ka sa pagod.

Ang ugali pa naman ng mga players ay walang malasakit sayo, ang inintindi lang nila ay makapag laro sila at mapag silbihan mo sila. Wala silang pakialam sa ibang tao. Ang kukulit nila.lahat gusting mauna sa pag papalit ng pera, lahat gusting mauna sa pag lagay ng taya nila, kadalasan ay may ginagawa ka pa ay kukulitin ka kaya minsan ay nawawala ako sa concentration. Tao lang naman ako para mairita at minsan ay sinasagot ko na kung sobrang kulit talaga. Pag mamalalasin ka pa ay ma che chempo ka sa bisor na k***l na kala mo kung sino kung mag dikta. Palibasa ay nakatayo lang sha dun.

Sa trabaho na ito ay kailangan din na matigas ka at wag kang pasisindak sa mga taong kala mo ay sila ang dyos.

Bweno makatulog na at ngayon ay Sabado at di pa tapos ang aking penitensha.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home