Peste Ka!
Gaano kaya kalakas ang impact sa ecological chain pag en eliminate ang lahat ng langaw, lamok at iba pang mga peste?
Kasi ba naman nung isang araw eh, kala ko makakatulog ako ng mahimbing., habang si Ethan ay nasa school ang sabi ko sa sarili ko ay pagkakataon ko nang managinip na ako ay milyonaryo pero maya maya ay may narinig akong “bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!!!!”, anak ng p*&a! ano ba naman yan! Pinilit ko shang habulin ngunit mailap si Bangaw, nakainom atah ng Redbull kaya tinakpan ko na lang ang tenga ko pero parang nang aasar talaga sha at lumilipad ng five millimeter mula sa aking balat at shempre nararamdaman ko ang pag daan nya. “grrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!” hayop ka!
Sa kusina naman namin ay nagkalat ang mga Langam dahil di ko napansin na naiwan ko ang gamot ni Ethan na matamis, pati pala paracetamol pinapatulan ng mga langam anoh? Siguro ang dating sa kanila nun ay tequila na matamis na ay may different high pa.
Sa garahe naman namin ay di ko makita ang bahay ng mga Gagamba. Kasi ba naman ay nag mumukhang sasakyan ng Adams family ang koche namin dahil sa nagkalat na agiw, kahit na punasan mo ngayong araw ay mas mabilis pa sa Extreme Make Over kung magtayo ng bahay.
Peste! Peste! Peste! Peste!

1 Comments:
natawa naman ako dine, kapatid sa kwento mo about gagamba. kasi yung kotse ko rin,kahit anong linis ko dun sa pesteng bahay ng gagamba, kinabukasan, meron na naman ulet. ang bilis nga. favorite nilang bahayan yung side mirror ko.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home