Thursday, February 02, 2006

Coffeedentiality

And after a weeks hard work I make sure to treat myself to a hefty dinner followed by a grande frappucino from Starbucks. Im not rally a big fan of coffee. When at work, it’s merely an aid for mental alertness.

Nung nasa Pinas pa ako ay di ko masakyan kung bakit hayok na hayok ang mga pinoy na mag kape lalo na sa Starbucks. Sa karamihan, ito ay pang display lang at part ng kanilang image para sila ay maka liga sa mga elite pero tulad ng kapatid ko na kulang nalang magtayo ng religion based on coffee worship ay sa kanya ko na realize na ang coffee is to be taken seriously. I’m not talking about Nescafe here or Blend 45, I’m talking about the different varieties and different origins na para bang wine na may kanya kanya din level of holiness. He can talk about coffee the whole day at sa room nya ay may different jars with different varieties. Meron din shang different paraphernalia for making the perfect coffee for different occasions.

But the one who introduced me to coffee was Jeng of course. I remember the day when my taste buds first made intercourse with a creamy latte na para bang ang feeling eh gumawa ka ng bawal, at pag bawal diba mas masarap? Ganun, ganun ang feeling. Ooooohhhhh…..

Shempre pa kaya ako lalong na lululong sa Starbucks ay dahil sa kanilang selection of music. Madalas kong marinig ang Cuban Jazz na bagay na bagay naman na feeling mo ay na bigla kang na transport sa Cuba na napapaligiiran ng scent ng tobacco at mga babaeng nagsasayaw ng salsa. Minsan nakakarinig din ako ng Gheto music at minsan naman ay Chil techno minimalist music. Kung sino man ang pumipili ng mga music sa Starbucks ay siguro sha ang pinaka cool na tao sa buong mundo.

Pero ang pinaka importante ay feel na feel ko na nag de date kami ni Jeng habang nag kwe kwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa aming kanya kanyang work for the week habang naka upo kami sa malambot nilang lounge.

Oh bweno kita kits next weekend pag nauna ka order mo ako ng Java Chip Frapuccino.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home