Wednesday, May 03, 2006

Isang Banka

Isa kang tunay na kaibigan.

Sa mga oras ng problema lagi kang nakikiramay. Alam mong minsan mas nakakagaang ng pakiramdam ang katahimikan kaysa sa kung ano mang payo at sasabayan mo ako sa pag buntong hininga. Alam mong mas matimbang pa sa ginto ang iyong pag tapik sa aking balikat Ang pag sabi mo ng “ok lang yan” kahit na hindi ok. Ang pag sabi mo ng “kalimutan mo na yun” kahit na alam mong hindi ako makatulog. Ang iyong walang tigil na pag sabi ng “eh kung ako nga eh…” kahit na alam mong mabigat ang aking dinadala.

Hindi ka lang tunay na kaibigan kundi isa kang magician, biro mo kahit na anong simangot ko, pag humirit ka ay bigla akong natatawa at maya maya ay ang wala mong sawang sinasabi na “wala yun…”

Marami nga silang pera, nasa kanila man lahat ng material na bagay. Pero wala sila ng meron ako. Wala silang pinaka mahal na kayamanan na hindi kayang bilhin ng pera. Wala silang tunay na kaibigan.

Tagay mo Pare.

2 Comments:

Blogger Ann said...

Iba talaga pag may tunay kang kaibigan! Swerte rin kami at marami kami nyan.

Regards sa family mo.

1:38 PM  
Blogger Flex J! said...

ako rin dami kami nyan kahit konti pera......

10:17 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home