Wednesday, May 10, 2006

How Can I Serve You Master Donald?




Haaaaaay….. kung tutuo lang sana si C3PO at R2D2 sana masarap ang buhay ko. Biruin mo makakapag pahinga ako ng todo. Pag uwi ko tulog hangang anong oras dahil alam ko pag gising ko ay may naka haing pagkain. Meron din tiga gawa ng lahat ng gawaing pambahay. Pag mejo stressed naman ako ay pede rin akong pamasahe at meron din kaming driver as in all around helper na. Pag tinatamad akong sumagot ng telephone ay pwedeng gayahin ang aking boses. Si R2 naman ay pwedeng maki pag laro kay Ethan at kahit anong gawin nyang sipa at tadjak ay wala shang angal. Ngapala Si C3PO at R2D2 ay mga electronic devices kaya pwede ko nang idispacha ang aking phone, CD player, DVD player at vacuum dahil kaya na nilang gampanan ang mga papel na ito. Libre na rin kami sa gupit dahil pwede ko silang i program na marunong mang gupit ng buhok. Hmmm… walang imposible na di ko kayang ipagawa dibah? Mekaniko ng koche, karpentero, tubero, mananahe, aysus… eniting is pasibol ikanga.

Pero….. (sigh) sa movies at Photoshop lang yan nangyayari kaya tama na ang pag papantasha at simulan nang mag laba…

Oh dear, oh dear, oh dear. – C3PO

1 Comments:

Blogger Flex J! said...

Ganda ng Family picture nyo! May kasamang alalay na kalbo at ginto....magkano yung ganong alalay? hehe

10:15 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home