Bye Cotton
Si Cotton ang pinaka matagal na aso namin. College pa ako ng una shang dumating sa house, Ngayon ko lang na realize more than ten years shang nag silbi samin. gift sha sa brother ko. Kung titingnan mo kala mo ay may lahi pero ang tutuo askal sha. Sa amin mag kakapatid ako ang pinaka naging close ni Cotton. Mahilig sa gwa(uboh! uboh! uboh!)poh Ahem! Nung nasa Pinas pa ako, pag dumadating ako galing work ay yumayakap sha sakin at excited na nagtatatakbo sa garahe. Sakin lang naman pero sa mga kapatid ko ay dedma sha. Like I said sha lang ang tumagal nang ganong katagal.
Nung umuwi kami last year ay di na sha sing hyper tulad ng dati. Kasi ciguro sa dog years ay matanda na sha. Actually hindi sha talaga guard dog. Sha lang ang aso na nakita kong takot sa pusa. He he he. Pang display lang talaga sha.
Hindi sha nag ka baby eh, pano ba naman, napaka strikto ng taga alaga nya, ang yaya namin. Ayaw ba naman palahian sa kung sino sinong askal. Ang gusto kasing cute ni Cotton. Kaya ayun tumandang dalaga tulad nya. He he he.
We will miss you Cotton, siguro kung nasa Pinas ako ay napa luha ako dahil isa na rin shang family namin. Hindi na siguro kami magkakaron ng pet na tatagal katulad nya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home