Wednesday, March 15, 2006

Anong Gusto ko Maging?

Ang sarap panuorin ng mga batang naglalaro at para bang wala silang pakialam sa nagyayaring kaguluhan sa mundo bastat sila ay inosente at masaya. Ang sabi ko sa sarili ko ay siguro ang mga pinaka masaya at kuntento sa kanilang mga trabaho ay ang mga tao na napapaligiran ng mga bata (teacher, pedia, charity work), Naisip ko tuloy na sana ay nag teacher na lang ako. Actully na experience ko na rin mag turo ng Arts sa mga bata nung ako ay nag practicum at nakaka gaang nga ng pakiramdam. I don’t mean to sound like a Ms. Universe candidate hah pero kasi ang sarap ng feeling ng nakakatulong ka sa mga bata di bah?

Actually marami rami na rin akong path na dapat na pinuntahan at minsan ay iniisip kung yung path na yun ang aking sinundan. Ano at nasan na kaya ako ngayon?

Ako ay naka pasa sa entrance exam sa aeronotics, ano kaya kung tinuloy ko ang pagiging piloto?

Ano kaya kung tinuloy ko ang training ng pagiging flight steward? Masaya kaya ako duon?

Ano kaya kung tinuloy ko ang pagiging Visual Artist? Gaano kaya ako katagal magugutom bago makagawa ng pangalan?

Kung di kaya kami umalis ng Pinas ni Jeng at ako isang graphic artist pa? Naku! Baka dina kami magkita nyan, naalala ko eh pag pumasok ako ng Lunes eh di ko na alam kung kelan ako uuwi.

Eh kung tinuloy ko ang pagiging musician at band member sapat kaya ang kinikita ko? May record deal na kaya ang band ko ngayon?

Sa huli ay napag isip isip ko na ang importante ay ang “ngayon”, meron na kaming Ethan at ito na siguro ang pinaka magandang ma i o offer sa amin ng Dyos, siguro nga ito na rin ay para sa ikabubuti namin, ang malayo ako sa office work na napaka stressfull. Pero kung ako ay bibigyan ng chance ay sana ay maka kita ako ng work na para sa mga bata o kaya sa environment kasi iba talaga ang feeling.

Mabuhaaaaaaay!,…My name is Donald Foronda from Paranaque Citiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!

2 Comments:

Blogger Flex J! said...

hehehehehe

Ano nga kaya???

What is the essence of the man??? Mr. Universe....

smiles...

3:27 AM  
Blogger Ann said...

Iba talaga pag may mga bata kahit sa bahay, kahit magugulo at makukulit iba yung saya na naibibigay nila.

Sana masundan na si Ethan para mas masaya.

8:18 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home