Ambilis naman ng panahon, si Ethan nag start na mag school, sa childcare lang naman.
Naalala ko lang mga kapitbahay, ewan ko kung agree kayo sakin hah pero parang di atah tama ang mga bagay na ito nung nag aaral pa ako.
Unang una ay ang C.A.T at idamay na natin ang R.O.T.C. Maling mali, laking pagkakamali, I mean what for?! Tatayo ka lang naman sa raw ng apat na oras. Wala naman pinapag handaang gera.
Naalala nyo ba ang right minus wrong? Oh my god! Wrong na I minus pa sa right.. Talaga naman may pagka sadista ang teacher mo kung ganito ang sistema nya.
Computer subject pero tatlo lang ang computer ng school nyo at trenta kayo sa klase.
Higit sa lahat every year inu update (kuno) ang mga textbook kahit na kulangot lang ang nadagdag basta lang pagkakitaan ng mga publishers.
Ito naman ang aking observation lamang about NZ studants at pati na rin ang kanilang education system as compared to Pinas. So kung balak mo kapitbahay na mag aral dito o ang mga anak mo ay ito ang mga pede mong i expect.
Libre ang primary at secondary school, the bad news is sobrang mahal ng tertiary kaya meron ditong tinatawag na student loan.
In regards to student loan, ang iba ay secondary lang ang tinatapos tapos mag tratrabaho na agad. Ang karamihan naman ay working while studying, marami nyan dito kaya ang mga students ay marunong mamuhay ng independent, yung ang positive side ang negative side ay sobrang bilib sila sa sarili nila at ayaw nang makinig sa mga magulang. Kaya kayong mga nasa Pinas ay swerte kayo kasi ang mga magulang nyo ang nag papa aral sa inyo kaya tigil tigilan nyo ang sobrang lakwacha hah.
Dito spoonfed lahat ng lectures at internet based, pede ka ngang di pumasok eh lahat ng notes online while sa Pinas ay ang mga students ay resourceful at kanya kanyang research sa library. Pero kasi nga ang mga students dito ay hectic ang mga schedule kaya siguro justified ang ganong sistema.
Ang mga students dito ay mga “mahihina” sa spelling, di nila mashado binibgyan ng focus ang pag spell ng tama at ang mga top notchers sa schools ay mga Asians. Opinion ko lang yun
Ala nang minor subjects dito pag tungtong ng tertiary, focus na sa major mo di katulad sa atin na Fine Arts ka eh meron kang Philosophy, Social science at kung ano ano pa. Nung high school ako eh meron Rizal, Anak ng pating! Pag tungtong ko ng college eh may Rizal pa rin! Ano ba yan!
Wala gaanong lakwachahan dito yun nga lang meron pa rin ikaka worry ang mga magulang kasi ang mga students dito ay mejo wild at parang nakawala sa hawla kung mag party, kasi ba naman pagkatapos ng lonely life nung mga bata pa sila ay mapapa barkada bigla.
Lastly maraming nagsasabi na kung satin nag high school ay pag dating daw dito at nag University ay masipag at nagiging top notch. Kasi siguro satin ay talagang pinupukpok sa aral. Sayang nga kasi nahuhuli na ang education system sa Pinas at nahahaluan ng corruption. Sayang..sayang…talaga. Likas pa naman tayong masisipag at macha chaga.