Tuesday, February 28, 2006

Peste Ka!

Gaano kaya kalakas ang impact sa ecological chain pag en eliminate ang lahat ng langaw, lamok at iba pang mga peste?

Kasi ba naman nung isang araw eh, kala ko makakatulog ako ng mahimbing., habang si Ethan ay nasa school ang sabi ko sa sarili ko ay pagkakataon ko nang managinip na ako ay milyonaryo pero maya maya ay may narinig akong “bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!!!!”, anak ng p*&a! ano ba naman yan! Pinilit ko shang habulin ngunit mailap si Bangaw, nakainom atah ng Redbull kaya tinakpan ko na lang ang tenga ko pero parang nang aasar talaga sha at lumilipad ng five millimeter mula sa aking balat at shempre nararamdaman ko ang pag daan nya. “grrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!” hayop ka!

Sa kusina naman namin ay nagkalat ang mga Langam dahil di ko napansin na naiwan ko ang gamot ni Ethan na matamis, pati pala paracetamol pinapatulan ng mga langam anoh? Siguro ang dating sa kanila nun ay tequila na matamis na ay may different high pa.

Sa garahe naman namin ay di ko makita ang bahay ng mga Gagamba. Kasi ba naman ay nag mumukhang sasakyan ng Adams family ang koche namin dahil sa nagkalat na agiw, kahit na punasan mo ngayong araw ay mas mabilis pa sa Extreme Make Over kung magtayo ng bahay.

Peste! Peste! Peste! Peste!

Monday, February 20, 2006

NZ Bands

Favorite kong kanta ang “Don’t Dream It’s Over” ng Crowded House nung elementary pa ako. Di ko alam na New Zealand band pala sila. NungCollege naman ako favorite ko ang “Sway” ni Bic Runga na madalas nuon patugtugin sa Nu 107. Di ko rin alam na New Zealander pala sha.

Marami ring NZ bands na magagaling at sikat sa international scene tulad ng Golden Horse, girl ang vocalist, ok na single nila ay ang “Maybe Tommorow”. Magaling din ang Dimmer na may pagka techno at psychedelic, jan din One Million Dollars na may pagka funk, ok din ang Fat Freddy’s Drop na may pagka Reggae.

Kaya kung bibisita kayo ng NZ mga kapitbahay ay recommended ko na sampolan nyo ang mga music nila. Ang Mura na bilihan ng cds at dvd ay “Real Groovy” na makaka score kayo ng cds worth five dollars , seconds nga lang at kung bago at new realese na cds naman ang hanap nyo ay hanapin nyo muna sa “Warehouse”.

Wala sa vocabulary ko ang Rap eh kaya sensha na ala akong ma mention.

Tuesday, February 07, 2006

Kabag

At tulad nga ng sinasabi nga ng tatay ko tuwing hapon pagdating nya galing sa trabaho, “ Puro problema na nga sa mundo,puro drama pa ang pinapanuod nyo.” (referring to teleserye). Sabagay may punto nga talaga ang tatay ko. Ako, hangat maari ay gusto ko laging nanunuod ng mga comedy movies, tv at talk shows. Tutuo naman pagkatapos mo ma stressed sa trabaho shempre gusto mo naman tumawa at sumaya di diba? At sino naman ang aking all time top ten comedians? Ito po ang aking list;

10. Moe, Larry and Curly, Abot and Castello, Jerry Lewis, Charlie Chaplin
Classic comedy walang tatalo, Three Stooges made me forget all about pre school stress and provided me with a thirty minute relaxation before doing homework. Mom and I laughed our hearts out every afternoon habang kumakain ng merienda.

9. Redford White, Katchupoy +, Babalu +, Panchito+, Chiquito
“Tanga! Dakila naman!” Di ko makakalimutan ang phrase na ito.

8. Mike Myers
Of course, Austin Powers lalo na ang first and second. “Yeh baby yeh!”

7. Chris Rock and Chris Tucker and Martin Laurence
Kakatwa sila lalo na pag pinapalaki nila ang mga mata nila

6. David Letterman and Jay Leno
I’m a big fan of late night talk show and stand up comedy

5. Jackie Chan
Mixing comedy with martial arts action

4. Rowan Atkinson (Mr. Bean)
This guy doesn’t need words to make me laugh

3. Jim Carrey
Comedy God

2. Tito, Vic and Joey, Rene Requestas +
Toilet humor, aminin na natin na nakakatawa pag bastos.

1. At ang aking number one ay ang the one and only comedy king na si Dolphy na walang ka kupas kupas, simula pa nuong mga “Ompong” at “Pasifika Falayfay” at "John n Marsha" days hangat mag “Home Along”, walang moment na ako ay hindi tumawa.

Sunday, February 05, 2006

4 Feb 2006

Thursday, February 02, 2006

Coffeedentiality

And after a weeks hard work I make sure to treat myself to a hefty dinner followed by a grande frappucino from Starbucks. Im not rally a big fan of coffee. When at work, it’s merely an aid for mental alertness.

Nung nasa Pinas pa ako ay di ko masakyan kung bakit hayok na hayok ang mga pinoy na mag kape lalo na sa Starbucks. Sa karamihan, ito ay pang display lang at part ng kanilang image para sila ay maka liga sa mga elite pero tulad ng kapatid ko na kulang nalang magtayo ng religion based on coffee worship ay sa kanya ko na realize na ang coffee is to be taken seriously. I’m not talking about Nescafe here or Blend 45, I’m talking about the different varieties and different origins na para bang wine na may kanya kanya din level of holiness. He can talk about coffee the whole day at sa room nya ay may different jars with different varieties. Meron din shang different paraphernalia for making the perfect coffee for different occasions.

But the one who introduced me to coffee was Jeng of course. I remember the day when my taste buds first made intercourse with a creamy latte na para bang ang feeling eh gumawa ka ng bawal, at pag bawal diba mas masarap? Ganun, ganun ang feeling. Ooooohhhhh…..

Shempre pa kaya ako lalong na lululong sa Starbucks ay dahil sa kanilang selection of music. Madalas kong marinig ang Cuban Jazz na bagay na bagay naman na feeling mo ay na bigla kang na transport sa Cuba na napapaligiiran ng scent ng tobacco at mga babaeng nagsasayaw ng salsa. Minsan nakakarinig din ako ng Gheto music at minsan naman ay Chil techno minimalist music. Kung sino man ang pumipili ng mga music sa Starbucks ay siguro sha ang pinaka cool na tao sa buong mundo.

Pero ang pinaka importante ay feel na feel ko na nag de date kami ni Jeng habang nag kwe kwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa aming kanya kanyang work for the week habang naka upo kami sa malambot nilang lounge.

Oh bweno kita kits next weekend pag nauna ka order mo ako ng Java Chip Frapuccino.