Friday, December 30, 2005

HAPPY NEW YEAR WORLD!

Tapos na naman ang isang taon. Mga kapit bahay this coming year ay siguro once a week na lang ako mag update ng blog. Ill be more active on the reality and less on the virtual side. Mejo may mabigat na challenge kaming hinaharap ni Jeng and I need to have more quality time with Jenny and Ethan. Tama na muna siguro ang pag graphics design, tama na muna ang pag download ng MP3s, tama na muna ang pag chat, at least siguro once a week na lang.

About new years resolution, I promise to save more money kasi gusto ko nang makita sila sa Pinas, yes mga kapitbahay uuwi kami, Whohooo! Kaya mega tipid. Bawas muna sa Star Wars, Sa dvds at cds, at off limits muna sa trade me, promise ko yan.

Sa mga Pinoy na mga bago kong kilala sa work, salamat sa inyong support, ang babait nyo, the best kayo talaga. Cheers to all.

Sa inyong mga blogmmates thanks sa pag bisita.

So anyway, I hope you all have a wonderful new year and may God bless us all.

Friday, December 23, 2005

Noche Buena Na!

So 24 na, mamya Noche Buena na, undecided pa rin ako kung mag tutuloy ko ang call sick. Gusto ko kasi kahit papano ay ma enjoy namin ng todo ang Christmas eve. May work kasi ako hangang 12. kauuwi ko lang ng 4am pinapabalik ako ng 4pm, tama ba naman yun? shempre Xmas day puyat ako. Bahala na, tulad ng last year, nanjan naman ang ever reliable na "V" energy drink. So anyway, Merry Christmas world! Swerte pa rin dahil off ako ng 25 di tulad ng mga ibang kasamahan ko sa work. Ciao, tulog muna ako at mamya kayod na naman, bahala na, wag nyo akong isusumbong kung bigla akong mag kasakit (ubo, ubo...)

Wednesday, December 21, 2005

Karanghape Road

It’s Christmas so let’s talk about shopping.

Kung balak nyong pumashal sa NZ mga kapitbahay ay isa sa magandang shopping area ang Karanghape Road" o K’road kung tawagin ng mga locals dito. Malapit ito sa city center. Hindi katulad ng mga ibang shops na puro “signature” at “couture” at kailangan kargado ang mga dollars mo, sa K’road ay may mga shops ng seconds at retro. Enjoy ka dito kung mahilig ka mag experiment sa design, fashion at arts.
Mga favorite kong shops

Kiwi Disposals – kung ang style mo ay may pagka military. Kumpleto dito from fatigue pants at mga military bags. Ok din ang mga shirts at kung ano ano pang mga military abu-buts.

Illicit - kung ikaw ay rocker, biker, artist at mahilig sa black then this is you sanctuary. Meron din silang tattoo service.

Paper bag princess – mga seconds ang mga nandito minsan makaka chamba ka ng mga signatured clothes na may price raging from 5 to 10 dollars.

At shempre Salvation Army – click nyo na lang ang link kung ano talaga ang mission ng shop nila pero ako ay pinapapatos ko kasi ba naman ay nakakabili ako ng mga shirts worth 2 dollars.

After shopping, marami rin masarap na restaurants so when in NZ do check it out.

Wednesday, December 14, 2005

Seasons Torture

Tama ba naman na magpatugtog ng Christmas songs sa trabaho?, bigla tuloy lumipad ang isip ko at nag imagine na nasa simbang gabi ako, tuloy nawala ako sa concentration. Pag break ko ay nakita ko ang ibang mga pinoy na nalungkot din pala dahil sa pag patugtog ng Christmas songs.

Anyway sa mga kapitbahay na nasa Pinas, isimbang gabi nyo na lang ako at ikain ng puto bungbong at bibingka.

Saturday, December 10, 2005

Natatatawa Ako, Hi Hi Hi Hi

Nakaka taba ng puso pag sinasabi ng mga ibang lahi na ang sarap kasama ng mga pinoy. Sabi nila ang babait daw natin at ang daling pakisamahan. Ok rin daw ang ating sense of humor.

Pinoy sense of humor, “da bes” talaga tayo jan, Naalala ko ang never ending jokes tungkol sa pagalingan ng mga ibat ibang lahi. Shempre tayo ang laging bida. Pasok ang Hapon, pasok ang Kano, pasok ang Pinoy… Yari na…

Yun nga lang siguro wala nang mas aalas kador pa sa mga pinoy. Ang galing natin gumawa ng mga code name, pag meron tayong gustong pag usapan na ibang lahi. Example na lang sa pinag tra trabahuhan ko. Minsan naabutan ko ang grupo ng mga pinoy na naka bilog at sabay sabay umaalog ang mga balikat. “naku po!” sino na naman kaya ang pinapag tawanan nitong mga ito. Minsan kaya naman nila pinapag tawanan ay isang way ito ng “revenge” ba dahil sila ay inaapi at may nag binyag na ng code name dun sa taong asar sila.

Miss ko din ang humor ng mga tiga creative department, ibig kong sabihin ay ang mga kasama ko sa trabaho sa Pinas, iba kasi talaga sila gumawa ng kalokohan, yun bang simula sa pinaka bakya hangang sa political jokes ay talaga naming naa aliw ako at minsan ay with matching illustration pa.

Naalala ko tuloy ang “Funny Komiks” oh dibah alam kong laki rin kayo sa Funny Komiks - Niknok, Planet opdi eyps (ang tandem ni Matsutsu at Bardagol), nanjan din ang comics strip na Ikabod bubwit, Balltik and Company (hi hi hi naalala ko si Johnny, yung janitor) at shempre Pugad Baboy.

Kaya tayong mga Pinoy kahit na minsan ay may crisi ay nadadaan pa rin sa biruan kung minsan. Sa atin ka lang makakakita ng hostage drama sa TV na may mga kumakakaway at nag babatukan na mga mironsa background.

Pinoy Humor and the Pinoy smile, yan naman ang maipag mamalaki ko sa kanila.

Friday, December 09, 2005

Tag Ni Nangning

My very first tag from Ninang Trotskee

Is It Really Bad to Stare?
Pareho rin po ng sagot mo Nangning, very well said.

Do You Have a Favorite Song?
Katulad rin ng sagot mo po para mo na rin tinanong kung gano kalaki ang universe.
Mahilig po ako sa 80's wave, Grunge Era at old school Jazz.(Favorite song nga eh!)
Hmmmmm..... siguro yung "All I want" of toad the wet sprocket pero minsan paiba iba rin tulad din sa mood. Gulo ko noh? hirap kasi ng tanong mo eh. Ang nangununa rin ngayon ay ang mga kanta ng Stills, Keane, Coldplay...

Thursday, December 08, 2005

Para Akong Sirang Plaka (Ng Christmas Songs)

Di nyo naman kelangan basahin ito, paulit ulit ko naman ito binabangit. Sensha na naglalabas lang ako ng lungkot.

Pasko na naman, nung isang umagang pag uwi ko bigla ko na lang sinabi na gusto kong umuwi. Gusto kong umuwi! Gusto kong ma feel ang Christmas. Gusto kong makasama namin ang family namin sa Pinas. Kahit na ba tagtipid sa Pinas ngayon di naman talaga shopping ang habol ko (well, konti oo meron naman divisoria). Guso ko lang naman makita at makasama sila at ma feel naming ang Christmas spirit. Si Ethan gusto ko makita nya ang saya ng Pasko dun at ang makalaro ang mga bata sa reunion. Yun pa ang isa, ang mga reunion walang sa saya sa reunion. Kung tutuo lang sana si Santa ay aangkas kami sa kanya papunta sa Pinas para nandun kami ng Noche Buena.

Pang apat na pasko na namin dito pero di pa rin ako nasasanay. Pano ba naman ako masasanay eh ang lugar na pinagalingan ko ang pinaka masayang Pasko sa buong mundo eh dito walang kabuhay buhay ang pasko, sa atin pag pasko madaming tao sa kalye dito naman mistulang ghost town. Ang malls sarado ng isang lingo. Miss ko ang simbang gabi, miss ko ang gift giving (at receiving hi hi hi hi hi), miss ko ang lechon, spaghetti, laing, tilapia, miss ko ang paputok, miss ko ang mga kapitbahay na dumadaan sa harap ng bahay namin pagkatapos ng mass, miss ko ang walang tulugan pagkatapos ng Noche Buena, matutulog ako ng sandali at gigisingin ako ng amoy ng inihaw na baboy kasabay ng pag tugtog ng Christams songs at maya maya ay nanjan na ang mga kamag anak, miss ko ang mga biruan (at iyakan). At higit sa lahat miss ko ang thanksgiving.

Next year di ko ma mi miss dahil magkakasama kami next year.

Saturday, December 03, 2005

The Greatest Love Story Ever Told



Nagkakilala kami ni Jeng nung kami ay freshmen sa DLSU Cavite nung 91 pero nag transfer ako sa UP Diliman the following year para I pursue ang hilig ko tsa graphic arts. Hindi kami nagkita after a while, busy kami sa kanya kanyang studies at meron kaming ibang boyfriend at girlfriend sa college. Pero bago kami magkahiwalay ng matagal ay sinabi ko sa kanya na one day ay magkikita ulit kami.

After college nahilig akong mag mountain climb, one climb pagdating namin sa summit ay nakikinig kami ng “Kanlungan” by Noel Cabangun/Buklod. Sabi ko, “Yan!, yan! Ang theme song sa wedding ko!” Ang sabi ng mga kasama ko, “Bakit meron na ba?” Sabi ko “Wala, hi hi hi.”

One time umuwi akong bad trip dahil di ako sinipot ng ka date ko. Pag dating ko sa house ay nag ring ang phone at “Oooooooooh my God!”, si Jeng, si Jeng di ako makapaniwala na after seven years alam pa nya ang number ko. Nag meet kami shempre. Di ko makakalimutan ang gabi na yun. Invite nya ako sa wedding ng friend nya for our second date.

Sa wedding ng friend nya, may isang maliit na lalake na may hawak na gitara na nag sound check. “Parang familiar ang mukhang ito hah.” Ang sabi ko.

Pag start ng entourage, kumanta ang lalake, parang tumigil ang pagtakbo ng mundo dahil si Noel Cabangun ang kumakanta. Sa oras na yun alam ko na yun ang sign na si Jeng na nga.

The following year ang wedding namin. Hindi nga lang si Noel Cabangun ang kumanta ng kanlungan kasi mejo mahal ang talent fee nya pero kinanta ng friend namin ang kanlungan.

Once tinanong ako ng friend ko kung pano mo malalaman kung yan na nga ang para sakin, sabi ko tutuong bibigyan ka ng sign at mararamdaman mo kung yun na nga ang sign na yun.

Ito ngapala ang lyrics

pana-panahon ang pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?

natatandaan mo pa ba,
nang tayong dalwa'y ang unang nagkita?
panahon ng kamusmusan
sa piling ng mga bulaklak at halaman
doon tayong nagsimulang
mangarap at tumula

natatandaan mo pa ba,
inukit kong puso sa punong mangga
at ang inalay kong gumamela
magkahawak-kamay sa dalampasigan
malayang tulad ng mga ibon
ang gunita ng ating kahapon

ang mga puno't halaman
ay kabiyak ng ating gunita
sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan?

pana-panahon ang pagkakatao
maibabalik ba ang kahapon?

ngayon ikaw ay nagbalik
at tulad ko rin ang iyong pananabik
makita ang dating kanlungan
tahanan ng ating tula at pangarap
ngayon ay naglaho na
saan hahanapin pa?

lumilipas ang panahon
kabiyak ng ating gunita
ang mga puno't halaman
bakit kailangan lumisan?

pana-panahon ang pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?
lumilipas ang panahon
kabiyak ng ating gunita
ang mga puno't halaman
bakit kailangan lumisan?

pana-panahon ang pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?


December Three, Happy birthday Hon!