Saturday, November 25, 2006

Halo Halo

Halo-halo (from "halo" = mix) is a favorite Filipino dessert or snack. It is basically a mixture of sweet preserved beans(red beans, chick peas), coconut meat (macapuno), jackfruit (langka), pounded dried rice (pinipig), sweet yam (ube), cream flan (leche flan), shreds of sweetened plantain (saba), filled with crushed ice, milk (or coconut milk) and topped with ice cream. The halo-halo basically is sweet, creamy, and a filling dessert.



This Filipino concoction is quite popular during the hot summer months (March-June) in the country, just as ice cream is. It is usually served in tall, clear glasses that show its colorful contents that tempt one's taste buds. One's thirst is even made worse by the perspiring ice-filled glass, and the melting ice cream on top.

Ito na naman ako pagkain na naman ang pinapag usapan, kasi ba naman ang tagal rin naming di nakakain ng halo halo. Kaya nung umuwi kami eh parang twice a week atah kami kumakain ng halo halo.

Iba iba rin naman klaseng halo halo ang natiman naming. Well, at the same time allow me to give you readers a guide to where you can find the best halo halo in Manila.

Nanjan ang mga famous fastfood restaurants na kahit na commercialized ang Halo halo ay pwede nang ma satisfy ang inyong katakawan.

Kamayan – Shempre pagkatapos mong mag buffet ay kailangan mong mag allot ng space for dessert at ikaw mismo ang pipili ng sahog sa iyong halo.

Chowking – Ok din ang Halo halo nila mejo malalaki nga lang ang bits ng yelo at mukhang ice crusher ang ginamit hindi ice shredder.

Goldilocks – Malakas ang flavour ng Halo halo nila ika nga ng aking byenan, kaya kung hindi ka mashado sa sugar ay I request mo na wag haluan ng sugar. Instead din na violet (from ube) ang prominent color ay yellow (baka sa milk or leche flan) pero ok rin (wala bang hindi ok sa kin, hi hi hi hi)

Rasonz (or Razons) – Well I’m not sure sa spelling pero ito ang boto ng aking sister. This is located at Market Market sa Fort. Ika nga ng aking sister, “minimalist” ang kanilang style dahil hindi mashado marami ang variety ng kanilang sahog pero ang nagpapasarap sa tingin ko ay ang pagka puro ng yelo., ice shaver kasi ang ginamit kaya swabe ang flow (hi hi hi hi hi). Creamy kasi at yellow din ang nangingibabaw na color. Siguro dahil mas masarap kumain pag nangigitata ka sa lagkit ng pawis sa iyong katawan dahil sa sobrang init!!!! Jusko po!!! At dami ng tao.

And the best Halo halo of all,

Balintasayaw – located at Silang highway right after Silang town exit going to Tagaytay. Now this is not for the weak stomach. What I mean is duon sa maliliit ang sikmura kasi ang kanila ay Buko Halo.



Buko Halo is a variation of Halo halo. Its just the same ingredients exept that Halo halo is placed in a Coconut shell and instead of shaved coconut meat is you have to scrape the meat off yourself from the shell which makes it more heavy on your guts. Bwah hah hah hah!!!!!!! Winner!!!!!

Nakakatulong din ang garden ambiance dahil ang view ay kanya kanyang kubo ang mga customers so you have privacy and feel nyo talaga ang nature with all the trees and trellis around. Mas maganda kumain dito pag gabi dahil mas nakakadagdag ng ganda ng view ang mga Christmas lights.

Sunday, November 19, 2006

Ethan's Cousins

Ambilis naman ng panahon, nuon nung bata pa ako pisngi ko ang pinipisil pisil.



babies



babies



and more babies




Ngayon pisngi ko pa rin ang pinipisil.

No Words




Wala akong maisip na sabihin eh, mas maganda siguro kung pictures ang mag sabi kung ano ang nararamdaman namin ng mga oras na yan.

Friday, November 17, 2006

There And Back Again

And so here we are back to our “normal” life. Ambilis anoh? Two weeks na since makabalik kami from our holiday?

So how was it? Ala naman, bukod sa nakatulog kami ng eight hours straight, ala naman bukod sa for a change we are being taken cared of, theres always someone to help us with our needs, ala naman bukod sa naalala namin ni Jeng ang feeling ng makapag date kami and have time for ourselves at maalala namin ang feeling na boyfriend-girlfriend pa kami.

Ala naman! Yun lang!

Nakita ko ulit ang Filipino smile, walang katumbas na Filipino smile. Nakaraninig ulit ako ng Filipino humor, ang pinakaka treasure nating Filipino humor.

After two years I saw my Moms grave, no I didn’t shed a tear. Nandun na sha, happy na sha, buti nga sha nandun na, free from pain and suffering. Pinaka importante nakita namin ulit at na embrace ang mga mahal namin sa buhay.

Hows the malls? Naku, kung hindi lang nakakahiyang humalik at humilata sa sahig ng Glorrieta eh, I know what it feels like again to stay in malls at ten pm. Nakita din naming ang SM mall of Asia, Market market sa Fort at 168 sa Divisoria. After two years din kami nakanuod ulit ng sine ni Jeng.

Naka ilang kain din naman kami sa Jollibee kahit mejo bumababa na ang standard nila, kasi ba naman parang nagging dry at umimpis na ang Champ at ang lumpia nila ay lupaypay na, nabaling tuloy ang aking taste buds sa Tropical Hut na walang kakupas kupas ang kanilang makapal at juicy na beef patty complete with pinoy na pinoy na pipino.

Ito nadagdagan ang cushion ng aking pisngi sa kakakain. Lahat naman ng nandun sa prevous post ko ay sha kong natikman kahit na maga ang aking ipin ay para akong adik na nag pe-pain killer para lang makalamon.

Nakanuod kami sa comedy club maski na four days before sa alis namin at sandali kong nakalimutan ang buhay dito sa NZ at sinabi ko sa sarili na kaya ko pa na tumatawa ng halos di na makahinga. Nakanuod din ulit ako ng bands na tumutugtog ng “New Wave” kasama ang aking mga high school buddies, the best… pare! The best!...

Thank you everyone

Thank you

Thank you for bringing me home

Magkikita kita ulit tayo sa madaling panahon.