Friday, September 16, 2005

Happy Birthday Ethan!

Six months palang kaming kasal ni Jeng nung na approve ang work visa ko. Umalis ako ng Pinas after new Year 2002. Imagine, first wedding anniversary naming di kami magkasama. First Christmas namin di kami magkasama and worst Christmas Eve may trabaho ako. Whoooohhh! Hirap ano po? Sabi ko pag lumagpas ng isang taon at di pa kami mag kasama ay uwi na ako. Buti na lang December 31 nakarating si Jeng.

February nang mabuo si Ethan. Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko. Nag aaral kasi ako nuon at part time lang sa work. Iniisip ko ang expenses, buti na lang libre ang pangananak dito. Maselan din mag buntis si Jeng kaya pa minsan minsan absent ako sa school o minsan pag nasa school ako wala ako sa sarili kasi iniisip ko sha, sha lang kasi ang mag isa sa bahay.

Magaling ang Dyos, Kabuwanan ni Jeng, nanganak sha sembreak, laking pasalamat ko nun kasi nagkaron kami ng time para mag adjust.

Pero di pa rin nawawala ang pressure dahil sa finances at dahil kami lang dito pinilit naming kayanin ang lahat ng responsibilities. May allowance kaming natatangap from the goverment nung ipanganak si Ethan at sa tulong ng mga kaibigan namin napagaan ang lahat.

Two years old na si Ethan. Things are slowly getting better.Kahit na minsan ay umuulan, umaaraw din naman maya maya. One year na rin nang kami ay makalipat sa sarili naming apartment. Meron na rin kaming sariling car. Biro mo dati nung buntis si Jeng wala kaming sariling sasakyan, nag bu bus kami ni Jeng papunta sa hospital. Kahit na hirap si Jeng kinakaya nya at minsan nilalalait kami ng mga bus driver kesho mabagal kaming maglakad. Tapos na yun, we have to move on.

Next year sana ma i celebrate namin ang birthday ni Ethan sa Pinas, yun ang target namin, para makita sha ulit ng family namin at makita rin naming ulit sila.


Strolling along country roads with my baby, it starts to rain, it begins to pour.
Without an umbrella we're soaked to the skin I feel a shiver run up my spine. I feel the warmth of her hand in mine. I hear laughter in the rain, walking hand in hand with the one I love
Oh how I love the rainy days and the happy way I feel inside. After a while we run under a tree I turn to her and she kisses me, there with the beat of the rain on the leaves, softly she breathes and I close my eyes, sharing our love under stormy skies

Saturday, September 03, 2005

Livin La Vida Estrella

Ganyan lang siguro talaga, may may mag paapaalam na may dadating pero ang masakit ay may hindi mag papaalam na aalis.

Kahapon nag text ang kapatid ko na wala na raw si Tito Totoy. Laking gulat ko shempre. Si tito Totoy ay kapatid ni Mom. Biruin nyo hah, di pa nakakalipas ang isang taon na nawala si Lola at si Mom, sindundan na naman ng isang loss sa angkan namin. Nabangit ko na sa inyo dati na masaya ang pasko ng angkan namin, kaya ang isa sa pumasok sa isip ko ay ang reunion ngayong Pasko. Parang repeat siguro nung nakaaran. Malungkot at unti unting nababawasan, yung iba nasa ibang bansa na.

Ganyan talaga ang buhay anoh? Pero kung may umaalis ay may mga dumadating naman. Kaming mag pipinsan ay isa isang nagkakaron ng sariling pamilya at mga cute na mga chikitings. Yun nga lang ang iba samin ay nasa ibang bansa na. Kung ako ay bibigyan ng wish ay sana makauwi kaming lahat ng nasa ibang bansa at magkaron kami ng malaking reunion. Diba masaya yun? Magkikita kita rin ang aming mga chikitings.

Paalam sa iyo tito Totoy, masakit man samin, siguro ay masaya ka na rin ngayon dahil nakita mo si Lola at si Mom at si Lolo. May sariling reunion din siguro kayo jan sa heaven. At alam kong lagi kayong nakatingin dito sa samin sa baba. Bye I kiss mo ako kay Mom.