Saturday, August 26, 2006

Know Your Enemy

Minsan iniisip ko na sana alam ng buong mundo na pangabi ang aking trabaho. Minsan din gusto kong maglagay ng sign sa harap ng bahay namin na “Pls. keep quiet, night shifter sleeping.”

Pag pang gabi ka, gagawin mo ang lahat ng paraan para lang makatulog ng mahimbing pero dahil nga imposible na ang buong mundo ang mag adjust sayo ay kelangan alamin mo ang iyong mga kalaban.

Una una, dahil nga dito sa NZ ay “nature trip” kaya ma damo at ma puno ang paligid, maya maya ay merong nag mo-mow at nag tatabas ng puno sa kapitbahay. Talaga naman pag umandar na ang mower ay nabubulabog ako! Grabe naman naman!

Anjan din ang mga nag de-deliver ng maga package namin ni Jeng na ewan ko ba kung bakit sa lahat ng oras eh ten ng umaga dumadaan na parang feeling ko e nananadya atah. Kaya siguro eh, kung bomba ang laman ng box eh tatangapin ko pa rin dahil bangag ako pag tinatangap ang box.

Ito pa ang isa, ang inspector ng bahay namin ay ang hilig din dumalaw ng umagang umaga, kay pasensha sha kung malanghap nya ang aking hininga. Buti na lang kahit na bangag ako eh di ko nakakalimutan mag suot ng shorts pag binubuksan ko ang pinto, wag naman sanang mangyari na mawala ako sa sarili at i welcome ko sha ng naka brief.

Minsan din tumatawag ang scheduling department namin at tinatanong ako kung gusto kong mag start ng maaga. “Hello!!!!???????” mambubulabog ka tapos tatanungin mo ako kung gusto kong mag start ng maaga?!!!! Sagutin mo ang tanong mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Lastly ang mga Jehova, jusko po…

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home