Wednesday, April 12, 2006

Makakating Dila

Ahem! Ahem!

This is not a replay. Nagkwento na ako dati tungkol sa inyo nito eh, tunkol sa CHISMIS.

CHISMIS! CHISMIS!!!, grrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!! Nakakagigil talaga ang mga chismoso at chismosa anoh?

Ito ang kwento mga kapatid, sa pinapagtrabahuhan ko, di nyo naitatanong ay madalas akong mag isang kumakain sa isang sulok dahil ako ay iwas sa kapwa natin at pili lang aking mga close friends. Bakit kamo? Dahil nga iwas ako sa chismis at ayokong nakakarinig ng chismis.

Exhibit A – Minsan ako ay napaupo sa isang grupo ng mga kalahi, mejo may edad na sila eh, imagine friends, within five minutes nalaman ko kung sino ang mga shota ng kung sino at kung sino ang mga hiwalay na. Ganun po katindi mga kapitbahay, ang sabi ko nga para akong nanunuod ng “The Buzz!” Ang lufit nyo! As in non stop hah. Ang masasabi ko lang eh;

Una, anong pakialam nyo!

Pangalawa, anong karapatan nyong sabihin kung bagay sila o hindi!

Pangatlo, wala ba kayong ibang mapagkwentuhan? Bakit hindi nyo nalang subukan mag prayer meeting?

Exhibit B – Tawagin na lang natin shang “Little Ms. Muffet”. Minsan ako ay nasa isang sulok, lumapit si LMF, at nakipag kwentuhan, sa isip isip ko ay “Mabait sha at mukhang mapapagkatiwalaan” at ganun din ang napansin ko the past days. Ako si tanga ay one day nag kwento at ayun after a few days ako ay NAYARI!, for short nakarating dun sa tao ang aking sinabi tungkol sa kanya. Tanga ko noh?

Moral of the story, wag ako tanga, he he he, at ikaw Little Ms. Muffet..... hay naku kung hindi lang holyweek...

Happy Easter to all! Si Jesus ngayon ko lang naisip, hindi mapapako kung hindi dahil sa chismis.

1 Comments:

Blogger Kiwipinay said...

bweheheheehhehe.....

nai-imagine ko kung gaano ka ka-bad trip dyan kay LMF. hahahahah!! kalowka! naisahan ka ano? loko yun ah...

howell... pare-pareho pala tayo ng mga iniiwasan. nu ba yan!

hayaan mo na, frend... kukunin din sya ni Lord pagdating ng araw. :D

2:52 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home