Wednesday, March 29, 2006

Bargain King And Queen

Kung meron man kaming parehong favorite hobby besides eating ay yun ang mag hunting ng mga bargains. Jan kami machaga mga kapitbahay, talagang sinusuyod naming ang mga nakalagay sa bargain bin. Pero ang pinaka magaling sa bargain at ang bargain queen ay si Jeng. First, nung kami ay lumipat sa aming apartment ay kelangan naming maghanap ng appliances. Nakabili si Jeng ng living room set at queen size bed for 200 dollars, yes two hundred dollars friends di naman lumang luma at matino pa ang ichura. Kadalasan din na tinatanong sha ng mga friends at office mates nya kung saan at magkano nya nabili ang kanyang mga dress at abubots like ang kanyang watch na maraming humahanga pero bili lang nya eh ten dollars, hi hi hi …katuwa anoh? ang kanyang earings may nabilib din eh two dollars lang naman ang bili nya. Ang kanyang bag na maraming humanga na ang bili nya ay five dollars at marami pang iba. Buti na lang at wala sa ugali nya ang mangagancho (di tulad ko) kundi she will be laughing her way to the bank (ayuz ba ang aking expression?)

Pasalmat din si Ethan sa abilidad ng kanyang nanay dahil lagi si Jeng nakaka chamba ng mga sale na mga childrens clothes. Si Ethan daig pa ang anak ni “Becs ang Posh” sa porma pero ang tutuo ay bili ni Jeng ang mga shirt nya 5 dollars for a bundle of three, 5 cute socks for ten dollars

Ako naman I could spend hours and hours sa tambak na mgaa sale na cds at dvds na halos matababunan na ako sa kaka hukay. Yung iba naman na bargain na nabibili ko ay binebenta ko naman ulit online, ayun, may mga nau uto naman at nabebenta ko ng doble. He he he.

Hindi porket nasa mall ka eh kelangan gumastos ng malaki. The moral of the story is “like any other skill, shopping is all about being ingenious and it involves a lot of patience.”

1 Comments:

Blogger Kiwipinay said...

ay nakow! nawiwili rin ako dyan lately. kami nga nung bagong dating kong workmate, halos lahat na yata ng gamit nya sa bahay nila ay galing sa trademe. ka-aliw! pati mga pangginaw ng mga anak nya, nakaka-tyempo kami ng mga new stuffs din. aliw na aliw sila. boss ko nga, di makapaniwala, yung study table na nakuha namin, ang ganda pa, $3 lang. :)

7:41 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home