Ethan Dane Asuncion Foronda
Looks
Friends say he has his mom’s eyes. I think he has my nose and lips. People also say he is too tall for his age. He is also crazy about Homer Simpson (dough!).
Life
Lahat ng may pamilya dito sa NZ ay sinasabi na napaka lonely ng life ng mga bata dito. Dito kasi di uso ang pangangapit bahay. Hindi tulad nung bata pa tayo na pag gising sa umaga ay takbo na sa labas ng kalye at makikipag patintero. Kaya hit na hit dito ang childcare. Kasi dun iniiwan ng mga magulang ang kanilang mga anak kapag papasok sa trabaho.
Maraming ngang nagsasabi ng iuwi muna namin sa Pinas si Ethan para makapag concentrate kami sa trabaho ni Jeng. Sabi ko di ko atah kaya. Kahit na hirap na hirap kami sa pagod at puyat, di ko kayang isipin na nasa Pinas si Ethan. Eh kung pumasok nga lang ako sa trabaho ay maya maya ay na mi miss ko na.
Si Ethan ay may asthma, the good news is free ang medical ng mga bata dito. So ang inhaler at check up ay libre.
Lessons
So what have I learned so far as a father?
Sumpong, tantrums can occur anyday,anytime,anywhere.
However tough and “astig” men are outside of the house, at the end of the day they come home to wipe their kid’s ass.
You can give kids piles and piles of paper yet they still prefer the walls and floors to scribble their masterpiece.
Silence means trouble.