Friday, May 13, 2005

Hangang sa Susunod na Pagkikita

Pag bukas ko ng e-mail ko ay nakita ko ang invitation ng birthday party ni Julia, Shakeys SM Manila, same day, same place. Last year, ito ang first birthday party na naka attend si Ethan.

Isang taon na rin nang kami ay umuwi ng Pinas. Tatlong taon bago ko nakita ulit ang mga mahal namin. Hindi bakashon ang reason ng aming pag uwi kundi meron kaming hinaharap na crisis pero dahil nga minsan lang kami magkaron ng pagkakaton umuwi ay pinilit pa rin namin na magsaya.

Pag baba ko ng eroplano nuon ay gusto kong humalik sa lupa, ang sumalubong sakin na amoy ng imburnal pag labas ko ng NAIA ay di ko pinansin dahil excited na nga ako na mayakap ang mga kumakaway sa waiting area.

Pag labas ko ng aking cellphone ay nag hagikgikan sila. Wow,Vintage 5110! kakahiya, di ko naisip nasa cellphone capital of the world pala ako. Kahit jeepney driver atah ay mas advance sakin ang cellphone.

Apat na lingo ang bakashon namin. Shempre hati diba? Dalawang lingo sa side nila Jeng, dalawang lingo sa min. Bitin ano po? Siguro ay kailangan dalawang buwan. Pero hindi e dapat siguro tatlo, pero bitin pa rin, siguro dapat apat, naku parang ayaw ko na atah umalis….

Tuwa tuwa ang lahat na makita si Ethan. Si Ethan ang bida. Kinabukasan na surprise si Mommy na makita si Ethan. Sugod kami sa Glorrieta, Jollibee shempre. Napapailing na lang si Daddy dahil para akong nakalaya sa preso kung lantakan ko ang order kong ”Champ”.

Yun nga nag attend kami ng birthday ni Julia at next week naman nun ay bibinyagan si Arjen. Hmmmm….. napag isip isip ko e. di magiging kasinsaya ang birthday ni Ethan ito sa NZ so naisip ko I celebrate na ang birthday ni Ethan kahit three months away pa. Isasabay sa binyag ni Arjen, Hmmmmm!!!!! Ba’t di namin pa binyagan ulit?! I am a genius!!! Outcome – Walang katumbas na Saya.

Salamat sa Dyos at kahit papano ay nabigyan kami ulit ng chance na makita ang aming mga mahal sa buhay.

Haaaay….Sarap mag reminisce, sana nga ay next year ulit ay maka uwi kami

Wednesday, May 11, 2005

Multi Tasking Guru

Dong – “Parang over fatigue ako. Sakit ng kasu kasuan ko.”

Jeng – “Stress yan. Oh mag relax ka muna habang naglalaba at nag lilinis ng sala”

Dong – “Ayuuuuuuuuuzzzzzz.”

The ability to execute more than one task at the same time, a task being a program. The terms multitasking and multiprocessing are often used interchangeably, although multiprocessing implies that more than one CPU is involved. (taken from askjeeves.com, 19 May 2005)

Dayoff na naman, at tulad ng dati laba, linis, luto…… Pero kulang e, kulang talaga ang bente kwatro oras para sa gawaing bahay at pag rerelax. (kailangan mag relax noh, day off e).

So ang solution, MULTITASKING. Opo mga kaibigan, diskarte ang kailangan para mapag kasha ang lahat ng kailangan gawin at magkaron ng quality time para sa pamilya.

Ito,let me give you a sample:

2 in 1

Naglalaba habang nagluluto – simple lang yan yakang yaka

3 in 1

Naglalaba, nagpapakain kay Ethan at nagluluto – Warning lang, do not attempt unless you are no more than five steps away from the kitchen.

4 in 1

Naglalaba, nagsasampay, nagpapakain kay Ethan, nag I internet

5 in 1

Naglalaba, nagluluto, nag rereview sa school, nag I internet, nag huhugas ng pingan.

At minsan halo halo ko ring ginagawa ang mga ito. Depende sa pangangailangan.