Wednesday, March 07, 2007

Ishflokhh!

Not a good start for blogging again.

Isusulat ko lang ng ating sariling lenggwahe. Dahil maraming ibang lahi ang matatamaan.

Im not a big fan of Lynx (Axe) deodorant pero sa aking palagay ay isa shang mahiwagang bagay. Bakit kamo?, Kung titingan mo ay ibat iba kamo ang packaging nila at shempre dapat iba iba ang amoy. Oo sa unang spray ay magkakiba ang mga amoy nila pero pag nag tagal na ay isang amoy lang ang binabagsakan nila at ako ay nahihiwagaan.
Ang kaso mga kapitbahay eh ang sangsang ng amoy eh, di ko matiis, nakakatusok sa ilong.

Sa locker room duon sa aking pinapagtrabahuan, after work, maririnig mo na ang “Issshflokkhh!!!” (tunog kamo yan ng takip na binubuksan) ewan ko ba, paboritong paborito itong gamitin ng mga Puti at Buko, at sabay sabay silang bobomba ng Linx. May kulto atah dun para sa Lynx users. Naku po!!!! Makalabas na!!!! di ko kasi talaga matiis lalo na ang mga ito pa naman eh mga dehin goli.

Ang suggestion ko lang sana sa mga gumagawa ng Lynx ay sana lagyan nila ng babala na hindi dapat gamitin pag di ka nag goli kasi ang sagwa na ng amoy eh tapos hahalo pa sa pawis nila. Sangsang talaga mga kapitbahay tipong ang amoy eh daing na hinalo mo sa alcohol. Ganun, yun, ganun ang amoy.

Hindi ko lam kung pano magkakatutuo ang mga nasa commercial nila, talgang imposible.

1 Comments:

Blogger fayenget said...

kahit sino pag hindi naligo ang sakit sa ilong ng amoy nakakamatay hehehe..

7:49 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home