Tuesday, December 19, 2006

Christmas Tales 2



Sa Christmas party nila Ethan,...

Chikiting 1: So whos gonna play Santa?

Chikiting 2: I think it's my Dad.



Iba na talaga ang kabataan ngayon, tila hindi na sila nuuto tungkol sa mga Santa Santa na yan, mashado na atang maaga sila mag mature. Tulad na lang nung umuwi kami at nakita ko ang curiculum ng aking pamangkin. WTF! meron silang geometry at human evolution! Wow! nung kasing edad ko sha ni hindi ko man lang mapronounce at ma spell ang isosceles (di ko nga sure ang spelling ko) mesozoic, jurasic at kung ano ano pang ic ic period na yan. Sana kahit papano ay naniniwala parin sila sa magic ng Christmas at ang tutuong meaning nito at hindi lang puro material na bagay at regalo ang nasa isip nila.

Miss ko tuloy nung ako ay bata pa at nangangoling kami at tuwa na kami sa nakakuwa namin na isang daan buong gabi, miss ko rin ang nagsisimbang gabi kahit na papasok pa ako sa skwela nung elementaty pa. Paniwalang paniwala pa ako nun sa Santa at sa mga Reindeers. Anyway, Merry Christmas kids!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home