Wednesday, November 02, 2005

Simot Sarap

Na aalala ko pa nuoon nang nabubuhay pa si Mom. Lagi nya akong sinisita pag may tira ako sa plano ko at nakikita ko shang inuubos ang mga leftovers sa fridge. Hangang college at nang makapagtrabaho na ako ay di ko pa rin na absorb ang ugali na hindi magsayang ng pagkain. Pero ngayon na may sarili na akong pamilya ay ako na ang tiga ubos ng tira tira ng aking mag ina. Ganyan talaga siguro. Siguro talagang ma re realize mo ang kahalagahan ng mag tipid pag ikaw na ang gumagastos sa grocery. Nakatulong din siguro na naa awa ako sa mga kapos palad lalo na sa mga mahihirap na mga pinoy na walang makain. Sana si Ethan ngayon pa lang ay ma realize nya ang pagtitipid at hindi pagsasayang ng pagkain. Sisikapin ko na ituro sa kanya ang ugaling ito.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home