Tuesday, January 18, 2005

Badong's Theory of Evolution

Ang mga sumusunod ay ukol lamang sa aking mga sariling pananaw.

Mankind is in constant evolution ika nga sa X-FILES. Sa aking palagay ang evolution ay di lang sa pang pyhisical na anyo kundi ay pati na rin sa kakayahang maka pag adopt sa changing environment.

Ah, eh, mejo technical bah? Bueno ang ibig ko lang naman sabihin ay kung ikaw ay nakatira sa isang third world country na tulad ng Pilipinas at nabibilang sa “commoner” class marahil ikaw ay nasa isa sa mga situation na ito.

1.Masaya ka sa trabaho pero di sapat ang sweldo.

2.Mataas ang sweldo mo pero kulang na lang ay pag isahin mo ang residential at business address mo dahil di ka na umuuwi sa inyo.

3.Kahit bali balliktarin mo man ang iyong budget ay di talaga sapat sa iyo at sa iyong pamilya ang iyong kinikita.

Kung oo ay siguro minsan ay naisip mo nang mangibang bansa at kumita nang dolyar, yen, pound at kung ano ano pa. Pwera na lang kung ikaw ay kaliga ng mga Hilton sisters na naghihintay na lang ma tigok ang kanilang mga magulang at pag pyestahan ang kanilang mana.

Evolution is always associated with survival of the fittest. Naku! Technical na naman yan! Simple lang yan kabayan. Marahil ay dati naririnig mo na ang mga nangingibang bayan na mga professionals na mga Pilipino tulad ng mga Doctor, Teacher at Engineers pero yun nga minsan ang mga doctor ay na nag dri drive nalang ng taxi o kaya naman ay nag aaral pa ng nursing para maging nurse dahil kamo yun ang in demand sa ibang bansa o di kaya mga teacher na nag ce care giver at ang ating mga magagaling na engineer na nag tra trabaho sa factories.

Survival of the fittest mare at pare. Sa lagay ba naman ng Pinas at patuloy na mga masamang nangyayari sa mundo e kelangan gumawa ng paraan para manatili ang ating species. Este angkan pala. Di ako magtataka kung baling araw e mga pulitiko na lang ang matitira sa Pinas at sila sila na lang ang mag bobolahan. Lingo lingo din kamo iba ang Presidente. Oh diba masaya?

Kung sakaling nauto kita kabayan at nagkaron ka ng pagkakataon at naisipan mong mangibang bansa sa makalawa ay huwag mo lamang kakalimutan dalhin ang mga sumusunod.

1.Lakas ng loob - nababalitaan mo na naman siguro na di nawawala ang the big “D” o ang pag iichapwera ng mga ibang lahi sa ibang bansa. Kelangan maging manhid kapatid. Ganyan talaga dayuhan ka e.

2.Pagiging humble- may mga pinapalad din naming nakakakuha ang magandang trabaho o mga tinatawag na blue and white collar jobs. Kayat kung ikaw ay isa sa mga iyon ay sana ay panatilihin ang pagiging magpakumbaba. Tandaan mo nanjan lang sa bawat sulok ang mapaglarong “karma”.

3.Sipag at Tyaga- dito makikita mo ang mga asiano ang masisinop, ang mga iba ay nagtratrabaho ng pitong araw kaya sila ang may mga bahay at di nangungupahan. Jan din naman ako bilib sa ating mga kapatid na chekwa. Ang sisipag nila talaga puro subsob sa trabaho kahit na inaabuso sila ng kanilang mga amo dumararating ang araw na sila naman ang umaasenso.

4.Dasal at marami pang dasal

At ito naman ang mga dapat iwan kapatid. Please lang iwan mo ito.

1.Crab mentality- maging masaya na lang sana tayo sa ating mga kabayan na umaansenso at magsilbi na lang silang inspiration.

2.Pagiging tsismoso at tsismosa- Ipabubaya na lang natin kay Christy Fermin yan kapatid walang maidudulot na mabuti yan magkakaron pa tayo ng maraming kaaway.

3.Pride- naku! mahirap yan. kung ako lang si Golum ay binatukan ko na ang sarili ko kasi pati ako guilty sa sinabi kong yan. Pero kelangan e. pero magdala ka kahit konti.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home