Friday, November 17, 2006

There And Back Again

And so here we are back to our “normal” life. Ambilis anoh? Two weeks na since makabalik kami from our holiday?

So how was it? Ala naman, bukod sa nakatulog kami ng eight hours straight, ala naman bukod sa for a change we are being taken cared of, theres always someone to help us with our needs, ala naman bukod sa naalala namin ni Jeng ang feeling ng makapag date kami and have time for ourselves at maalala namin ang feeling na boyfriend-girlfriend pa kami.

Ala naman! Yun lang!

Nakita ko ulit ang Filipino smile, walang katumbas na Filipino smile. Nakaraninig ulit ako ng Filipino humor, ang pinakaka treasure nating Filipino humor.

After two years I saw my Moms grave, no I didn’t shed a tear. Nandun na sha, happy na sha, buti nga sha nandun na, free from pain and suffering. Pinaka importante nakita namin ulit at na embrace ang mga mahal namin sa buhay.

Hows the malls? Naku, kung hindi lang nakakahiyang humalik at humilata sa sahig ng Glorrieta eh, I know what it feels like again to stay in malls at ten pm. Nakita din naming ang SM mall of Asia, Market market sa Fort at 168 sa Divisoria. After two years din kami nakanuod ulit ng sine ni Jeng.

Naka ilang kain din naman kami sa Jollibee kahit mejo bumababa na ang standard nila, kasi ba naman parang nagging dry at umimpis na ang Champ at ang lumpia nila ay lupaypay na, nabaling tuloy ang aking taste buds sa Tropical Hut na walang kakupas kupas ang kanilang makapal at juicy na beef patty complete with pinoy na pinoy na pipino.

Ito nadagdagan ang cushion ng aking pisngi sa kakakain. Lahat naman ng nandun sa prevous post ko ay sha kong natikman kahit na maga ang aking ipin ay para akong adik na nag pe-pain killer para lang makalamon.

Nakanuod kami sa comedy club maski na four days before sa alis namin at sandali kong nakalimutan ang buhay dito sa NZ at sinabi ko sa sarili na kaya ko pa na tumatawa ng halos di na makahinga. Nakanuod din ulit ako ng bands na tumutugtog ng “New Wave” kasama ang aking mga high school buddies, the best… pare! The best!...

Thank you everyone

Thank you

Thank you for bringing me home

Magkikita kita ulit tayo sa madaling panahon.

1 Comments:

Blogger Ka Uro said...

sarap naman ng bakasyon niyo. kakainggit.

3:10 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home